^

PM Sports

TNT, Meralco agawan sa 2-1 lead

Russell Cadayona - Pang-masa
TNT, Meralco agawan sa 2-1 lead
Itinabla ng Meralco sa 1-1 ang kanilang best-of-of-five semis showdown nang ilusot ang 124-117 overtime win sa Game Two matapos kunin ng TNT ang 110-80 panalo sa Game One.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang krusyal na 2-1 lead ang pag-aagawan ng TNT Tropang Giga at Meralco sa kanilang upakan sa Game Three ng 2023 PBA Gov-ernors’ Cup semifinals series.

Nakatakda ang giyera ng Tropang Giga at Bolts ngayong alas-5:45 ng hapon matapos ang banggaan ng nagdedepensang Ginebra Gin Kings at San Miguel Beermen sa alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itinabla ng Meralco sa 1-1 ang kanilang best-of-of-five semis showdown nang ilusot ang 124-117 overtime win sa Game Two matapos kunin ng TNT ang 110-80 panalo sa Game One.

Tinapos ng Bolts ang 10-game winning streak ng Tropang Giga simula sa elimination hanggang sa series opener ng semis.

Kumamada si import KJ McDaniels ng 39 points sa pagresbak ng Meralco sa TNT matapos malimitahan sa 12 markers sa Game One habang umiskor si Aaron Black ng 28 points.

“This game, gusto talaga namin to move the ball, to get back on defense kasi nga TNT’s a really good offensive team so we really want to get on defense and make sure that TNT didn’t get a lot of fastbreaks,” ani Black na nagtala rin ng 10 assists.

Sa unang laro, hangad naman ng Ginebra na ma-sweep ang San Miguel papasok sa kanilang ikalawang sunod na PBA Finals appearance matapos maghari sa nakaraang Commissioner’s Cup laban sa guest team na Bay Area Dragons.

Itinagay ng Gin Kings ang 121-112 panalo sa Game One at ang 121-103 tagumpay sa Beermen sa Game Two para sa malaking 2-0 lead sa kanilang serye.
 

vuukle comment

BASKETBALL

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with