^

PM Sports

Mainit na pwestuhan

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Lumipad na papuntang Passi, Iloilo ang PBA All-Star delegation, iniwan pansamantala ang isipan ukol sa Governors’ Cup playoff race.

Pero malabong mangyari ito sa mga koponan na nasa balag ng alanganin, lalo na ang San Miguel Beer, NLEX at NorthPort.

Naghahabol ng puwesto sa Top 4 ang mga Beermen at Road Warriors, samantalang umaasa ang mga Batang Pier na makapuwersa ng playoff game kontra sa Phoenix Super LPG para sa huling quarterfinals spot.

Krusyal ang bakbakan sa resumption ng Governors’ Cup play sa Miyerkules sa Philsports Arena kung saan maghaharap ang NorthPort vs TNT at NLEX vs SMB.

Laglag sa kangkungan ang NorthPort kung hindi makakasungkit ng panalo. Playoff naman sila ng Phoenix for No. 8 kung ma-upset ang TNT. Ang NLEX-SMB ay labanan naman ng outright spot sa Top 4.

Kung matalo ang mga Beermen, may isa pa silang Top 4 shot kontra Rain or Shine sa Biyernes.

Kung matalo naman ang NLEX, malalaglag ang Road Warriors sa three-way tie for No. 4 kasama ang Meralco at Magnolia sa parehong 7-4 kartada.

Sa scenario na ito, ang mga Bolts ang lulutang na No. 4 dahil sa kanilang superior quotient.

Bago ang huling dalawang play dates ng elims, TNT (8-1) at Ginebra (8-2) pa lang ang swak sa Top 4, samantalang Rain or Shine (2-8), Terrafirma (2-9) at Blackwater (1-10) ang mga koponang eliminated na.

Mainit pa ang puwestuhan sa kabuuan ng playoff picture.

vuukle comment

NLEX

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with