^

PM Sports

Pagiging Ninoy Aquino ni Isko, sa biruan nag-umpisa

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pagiging Ninoy Aquino ni Isko, sa biruan nag-umpisa
Isko Moreno

Kasama sa official trip ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa China ang ate niyang si Senator Imee Marcos.

Sa isang talk doon ni Sen. Imee, nabanggit niya ang tungkol sa pelikulang Martyr or Murderer na “second serving” ng Maid in Malacañang.

Nabanggit niya na maraming intriga sa kanilang  pelikula dahil si former Manila Mayor Isko Moreno ang gaganap na Ninoy Aquino.

“Talaga namang controversial kung controversial. Tsismis nang tsismis,” isa sa dialogue ng mabait na senadora.

Nag-umpisa nga raw sa biruan ‘yung pagkuha kay Isko para gumanap na Ninoy at tinanggap nito.

Bongga!

Naikuwento rin ni Sen. Imee na hindi pa nga tapos ang shooting ng Martyr or Murderer at ang balita ko ay may shooting pa sila sa ibang bansa.

Concert produ sa Amerika at Canada matindi ang kumpetisyon

Alam mo, Ateng Salve, ang daming nagsiuwi an na show promoters from America and Canada during the Christmas break.

Karamihan sa kanila ay nakita kong nakipag-meeting sa iba’t ibang mga talent manager at ang iba ay kay Boss Vic del Rosario.

Obviously, paghahanda sa shows sa America at Canada ngayong 2023 ang dahilan ng mga meeting na ‘yon kaya mukhang mas darami pa ang concert tour sa dalawang bansa sa taon na ito.

Pero ang nakakatakot lang, sa rami ng magiging shows this year, sila-sila ay magkakasakitan dahil marami ang tiyak na hindi magiging impressive ang kita, huh!

At sana rin, ‘yung mga singer and star na may tatanggaping concert tour sa Amerika at Canada o kahit na saang lugar ay matutong tumulong sa pagpo-promote ng kanilang mga project para magkaroon agad ng awareness ang kanilang fans abroad at mapag-ipunan at magawan nila ng paraan na available sila sa mga araw na ‘yon.

And please lang, Ateng Salve, ang wish ko, kapag masulat man na hindi impressive ang tickets sale ng kanilang mga show, huwag naman sana nilang ikasama ng loob ‘yon at tanggapin nila ng maluwag sa kanilang kalooban dahil ‘yon naman ang totoo, ‘noh?!

‘Yun na!

Linlang, uumpisahan na

Nagsisimula nang mag-promote sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Seth Fedelin at Francine Diaz para sa Kapamilya primetime teleserye nila na Dirty Linen.

Sa January 23 na magsisimula ‘yon.

Sina Paulo Avelino, Kium Chiu at Maricel Soriano naman, nag-script reading na kamakailan lang para sa Kapamilya primetime teleserye nilang Linlang.

In fairness, busy pa rin ang ABS-CBN sa napakarami nilang shows na ipinapalabas sa TV5, A2Z, iWantTFC app, YouTube entertainment channel nila at sa iba’t iba pang platforms.

‘Yun na!

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with