^

PM Sports

Lady Bulldogs ibinulsa ang SSL title

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na pinataob ng National University ang De La Salle University sa pamamagitan ng 25-23, 25-20, 25-20 demolis­yon para masiguro ang kampeonato sa Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kagabi sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Balanse ang naging ratsada ng Lady Bulldogs kung saan halos lahat ng players nito mapa-bete-rano man o rookie ay nag-ambag ng puntos.

Nanguna sa ratsada si opposite hitter Alyssa Solomon na naglista ng 14 puntos mula sa 10 attacks, tatlong aces at isang block.

“Hinugot ko lang yung energy namin sa isa’t isa. Nagtulungan lang kami, walang iwanan kaya nakuha namin yung panalo ngayon,” ani Solomon.

Nakatuwang ni Solomon sina UAAP Rookie-MVP Mhicaela Belen, Ces Robles, Sheena Toring, Vangie Alinsug at playmaker Cams Lamina.

“Marami kaming natutunan, dapat lagi naming binibigay yung lahat sa game namin. Kailangan namin mas maging pulido, less errors at mas mabilis pa yung plays namin,” ani Belen.

Nakumpleto ng Lady Bulldogs ang matamis na 8-0 sweep sa torneo na ito upang maidagdag ang Shakey’s Super League sa kanilang lumalaking koleksiyon ng kam­peonato.

Ito ang ikalawang sweep ng NU sa taong ito matapos walisin ang lahat ng asignatura nito sa UAAP Season 84 para makuha rin ang korona.

Sa unang laro, nailusot ng Adamson University ang 25-27, 25-20, 16-25, 25-22, 15-11 panalo laban sa University of Santo Tomas para masiguro ang tansong medalya.

 

vuukle comment

LADY BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with