^

PM Sports

Lee itinakas ang Suns sa Mavs

Pang-masa
Lee itinakas ang Suns sa Mavs
Ang reaksyon ni Damion Lee matapos ilusot ang Suns kontra sa Mavericks.

PHOENIX — Isinalpak ni Damion Lee ang isang go-ahead jumper mula sa baseline sa dulo ng fourth quarter para tulungan ang Suns na burahin ang 22-point third-quarter deficit at takasan ang Dallas Mavericks, 107-105.

Bumangon ang Phoenix mula sa pagkakabaon para agawin ang 105-102 abante kasunod ang nakumpletong three-point play ni Luka Doncic na nagtabla sa Dallas sa 105-105 sa natitirang 32.8 segundo.

Naipasok naman ni Lee ang kanyang off-balance jumper para ibigay sa Suns ang 107-105 bentahe, habang mintis ang 3-point attempt ni Doncic sa panig ng Mavericks.

Humataw si Devin Booker ng 28 points para pamunuan ang lima pang Phoenix players na umiskor ng double figures.

Sa Memphis, humataw si Ja Morant ng 34 points para banderahan ang Grizzlies sa 115-112 overtime win sa bisitang New York Knicks.

 Sa Salt Lake City, tumipa si Colin Sexton ng 20 points sa 123-102 paggupo ng Utah Jazz sa Denver Nuggets.

Sa Toronto, nagtala si Pascal Siakam ng 23 points at 11 rebounds para sa 108-105 pag-eskapo ng Raptors sa Cleveland Cavaliers.

vuukle comment

DALLAS MAVERICKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with