^

PM Sports

Ramos at Ravena brothers lalaro sa Gilas sa 5th window

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Ramos at Ravena brothers lalaro sa Gilas sa 5th window
Kabilang sina Thirdy Ravena at Dwight Ramos sa B.League players na lalaro sa Gilas para sa 5th window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

MANILA, Philippines — Lalong lumakas ang inaasahang PBA-backed pool ng Gilas Pilipinas para sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Nobyembre dahil sa availability ng mga overseas players mula sa Japan B. League.

Bakante sina Dwight Ramos ng Levanga Hokkaido, Kiefer Ravena ng Shiga Lakestars at Thirdy Ravena ng San-en NeoPhoenix, ayon sa Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP), upang masamahan ang Gilas kontra sa Saudi Arabia uli at Jordan.

Sasamahan ng tatlo sina six-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel at reigning MVP Scottie Thompson ng Barangay Ginebra na una nang kinumpirma ng SBP na babandera sa Gilas.

Dahil sa inaasahang sabay-sabay na iskedyul ng iba’t ibang ligang pinag­lalaruan ng Nationals ay nakakuha ang Gilas ng basbas mula sa SMB, Ginebra at TNT Tropang Giga upang siyang bumuo ng core para sa fifth window.

Swak din sa koponan sina CJ Perez ng SMB, RR Pogoy at Poy Erram ng TNT pati na sina Japeth Aguilar at Arvin Tolentino ng Ginebra.

Sa katunayan ay na-adjust na ng PBA ang schedule ng tatlong koponan na hindi maglalaro sa pagbubukas ng 2022 Commissioner’s Cup simula Nobyembre 6 para sa fifth window ng qualifiers na nakatakda sa Nobyembre 10-14.

Bukod sa mga B.Lea­gue players at PBA reinforcements ay inaasahang kasali rin sa training pool sina Ange Kouame, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Will Navarro at Lebron Lopez.

Maging sina Chris Newsome ng Meralco, Jamie Malonzo ng NorthPort at pinakabagong Tropang Giga na si Calvin Oftana ay imbitado.

Sina Ramos, Ravena brothers, Aguilar, Thompson, Malonzo, Newsome, Oftana at Tamayo ang ilan sa mga naglaro sa fourth window kontra sa Saudi Arabia at Lebanon kasama sina Kai Sotto at Jordan Clarkson na hindi muna puwede ngayon.

Kagabi ay lumarga ang ensayo ng Gilas na babalik na sa lingguhang Monday training sa Meralco Gym bilang preparasyon sa natitirang windows ng Qualifiers at sa World Cup sa 2023.

 

vuukle comment

PBA

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with