^

PM Sports

SBP hiniling ang tulong ng Senado

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilatag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang kanilang mga paghahandang gagawin at plano pa­ra sa hosting ng bansa sa 2023 FIBA World Cup kahapon sa ginanap na pagdinig sa Senado.

Sa pangunguna ni SBP president Al Panlilio ka­sa­ma ang ibang basketball stakeholders, humarap ang SBP sa Senate Committee on Sports sa ilalim ni chairman Sen. Bong Go.

Kabilang sa inilahad ng SBP ay ang plano para sa naturalization candidates ng Gilas Pilipinas na ka­kailanganin ang tulong ng Senado upang mapabilis ang proseso.

Ilan sa mga prospects ng SBP na makatulong sa Gilas sa mga nakalinyang torneo bago ang World Cup ay sina Barangay Ginebra import Justin Brownlee at TNT Tropang Giga import Cameron Oliver.

Magsisilbing options sa Gilas sina Brownlee at Oliver kahit nariyan sina Ange Kouame ng Ateneo at Jordan Clarkson para sa matagal nang misyon na mapalalim ang pool ng naturalized players.

Ipinangako rin ni Gilas head coach at program di­rector Chot Reyes ang puspusang paghahanda ng koponan para sa 2023 FIBA World Cup.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with