^

PM Sports

Castro binuhat ang TNT sa Game 4

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinabla ng nagdedepensang TNT Tropang Giga ang kanilang championship series ng San Miguel matapos kunin ang 100-87 panalo sa Game Four ng 2022 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumangon ang Tropang Giga mula sa dalawang sunod na kabiguan para sa 2-2 pagtabla sa kanilang best-of-seven title wars ng Beermen sa harap ng 10,569 fans.

Nagpasabog si guard Jayson Castro ng game-high na 26 points bukod sa 6 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa pagbabalik ni coach Chot Reyes sa bench.

Kaagad umalis ng ve­nue si Reyes para ihanda ang Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa Saudi Arabia nga­yong gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

“Siguro because of our game plan din tsaka iyong energy sa room,” ani Castro. “Kailangan naming maging aggressive kasi iyong past two games namin ang bagal ng execution namin and at the same time iyong defense namin sobrang passive.”

Nagdagdag si RR Pogoy ng 21 points at may 15 at 14 markers sina Mikey Williams at Kelly Williams, ayon sa pagkakasunod.

Maagang kinuha ng TNT ang 18-7 abante na kanilang pinalobo sa 18-point lead, 34-16, sa walong minuto ng second period mula sa triple ni Kib Montalbo.

Sumandal ang SMB kina six-time PBA MVP June Mar Fajardo, Mo Tautuaa at CJ Perez para agawin ang 52-51 bentahe sa 6:21 minuto ng third quarter.

Muling napasakamay ng Tropang Giga ang manibela para iposte ang 96-78 kalamangan sa huling 3:44 minuto ng final canto

Tumapos si Fajardo na may 20 points at 19 rebounds para sa Beermen at may 15, 14 at tig-13 mar­kers sina Simon Enciso, Marcio Lassiter, Perez at Tautuaa, ayon sa pagkakasunod.

Bago ang laro ay iginawad sa 6-foot-10 na si Fajardo ang Best Player of the Conference award.

 

vuukle comment

TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with