^

PM Sports

Herndon iginiya ang San Miguel sa 2-1 lead

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniskor ni Robbie Herndon ang lima sa kanyang walong puntos sa overtime para tulungan ang San Miguel sa 108-100 paggiba sa nagdedepensang TNT Tropang Giga sa Game Three ng 2022 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Dumiretso ang Beermen sa ikalawang sunod na panalo sa Tropang Giga para sa 2-1 lead sa kanilang best-of-seven championship series.

“Nagkaroon ng opportunity. Probably that’s the big revelation. But we know he can play,” sabi ni coach Leo Austria kay Herndon. “He showed me what kind of player he is.”

Humakot si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng game-high na 27 points at 27 rebounds at nagdagdag sina Jericho Cruz, Marcio Lassiter, Vic Manuel at CJ Perez ng 18, 13, 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Ang basket at triple ni Herndon ang nagbigay sa SMB ng 99-94 bentahe sa huling 3:33 minuto ng extra period at ang apat na puntos ni Cruz ang nagbaon sa TNT sa 103-94 sa nala­labing 1:58 minuto.

Walang koponan ang nakapagtayo ng double digit lead sa kabuuan ng laro kung saan kinuha ng Beermen ang 94-90 abante sa huling 2:09 minuto ng fourth period mula sa triple ni Herndon.

Ang basket at split ng 40-anyos na si Kelly Williams ang nagdikit sa Tropang Giga sa 93-94 sa natitirang 1:04 minuto.

Natawagan ang SMB ng 24-second shot clock sa huling 11.7 segundo kasunod ang technical free throw ni RR Pogoy dahil sa delay of game ni Herndon na nagtabla sa TNT sa 94-94 patungo sa extension.

vuukle comment

TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with