^

PM Sports

Unang Olympic gold

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Nakaukit na sa kasaysayan ang pangalan ni Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng unang gold medal ng Pinas sa Olympics.

Ngunit kung nabasa ninyo ang mga tribute na lumabas para sa Asia’s sprint queen na si Lydia de Vega-Mercado, mga kuwento tungkol sa kanya, ang mga naging panalo niya, noon pa sana ay may Olympic gold na tayo.

Sa kabuuan, si Lydia,  “Diay” kung tawagin noon, ay may 16 golds, 6 silvers at 3 bronzes sa kanyang mga nilahukang Asian Athletics Championships,  Asian Games at Southeast Asian Games sa 200m, 400m at 4×400 races.

Pero sumikat talaga siya sa 100m dash nang manalo siya noong 1982 at 1986 Asian Games at noong 1983 at 1987 Asian Athletics Championship na nagbigay sa kanya ng titulong Asia’s sprint queen.

Tatlong dekadang nakatayo ang national record niya sa 100m run gayundin sa 200-meter run bago nasira ng mga Fil-Am tracksters.

Olympics-material talaga si Diay noon. Pero hindi niya naabot ang Olympic dream dahil sa injury. Pero talagang iniidolo, tiniti­ngala, sinusubaybayan at hinahangaan siya noon.

Malalim ang iniukit niyang marka hindi lamang sa sports kundi sa ating kasaysayan dahil binigyan niya ng malaking karangalan ang Pinas.

Kung may Hidilyn Diaz tayo ngayon, nagkaroon tayo ng Manny Pacquiao dati… may Lydia de Vega naman noon.

Hindi man nakamit ni Diay ang Olympic gold, siya ang unang nag-iwan ng malalim na bakas sa mundo ng sports na nakaukit sa puso ng mga Pinoy.

vuukle comment

OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with