Creamline focus sa next games
Hindi muna iniisip ang finals
MANILA, Philippines — All out pa rin ang Open Conference champion Creamline sa kabila ng pagpasok nito sa finals sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.
Nabigyan ng tiket ang Cool Smashers sa finals dahil sa mataas na quotient system. May 3-0 rekord ang Creamline.
At kahit ano pa man ang mangyari sa dalawang huling laro nito sa round robin semis hindi na makakaapekto ito sa Cool Smashers
Kabilang dito ang laban ng Cool Smashers kontra sa King Whale Taipei bukas sa The Arena sa San Juan City.
Sa kabila ng pasok na sa finals, ibubuhos pa rin ng Creamline ang lahat upang maging magandang paghahanda para sa laban nito sa finals.
Handa ang Cool Smashers sinuman ang makaharap nito sa finals.
“Whichever team we’d be facing in the finals, we’re excited. “PLDT and Kingwhale have different systems. Though we beat PLDT in the semis, it was a struggle and I know they will be extra motivated if they get to the final,” ani Creamline coach Sherwin Meneses
Nais muna ni Meneses na isentro ang atensiyon ng kanyang bataan kontra sa King Whale.
Kaya naman inihahanda na nito ang kanyang solidong tropa sa pangunguna ni Invitational Conference leading scorer Tots Carlos kasama sina team captain Alyssa Valdez at outside hitter Jema Galanza.
Ang local team na may pinakamataas na puwesto sa pagtatapos ng PVL Invitational Conference ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Championship for Women na magsisimula sa Agosto 21 sa Philsports Arena sa Pasig.
- Latest