^

PM Sports

2nd win aasintahin ng PLDT

Chris Co - Pang-masa
2nd win aasintahin ng PLDT
Babanderahan ni Alyssa Valdez ang Creamline laban sa Army habang si Rachel Anne Daquis (kanan) ang ma­ngunguna sa Cignal kontra PLDT.

Creamline tangka ang panalo sa Army

MANILA, Philippines — Hangad ng PLDT na mapanatiling mataas ang lebel ng laro nito sa semifinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.

Darayo ang liga sa Ynares Sports Center sa Antipolo City kung saan nais ng High Speed Hitters na makopo ang ikalawang sunod na panalo laban sa Cignal sa alas-5:30 ng hapon.

Masisilayan din ang bakbakan ng Open Confe­rence champion Creamline at Philippine Army sa unang laro  sa alas-2:30 ng hapon.

Nagpasabog agad ng malakas na puwersa ang High Speed Hitters sa ope­ning day ng semis matapos palugmukin ang Lady Troopers sa iskor na 25-22, 25-18, 25-21.

Ngunit ayaw ni PLDT head coach George Pascua na maging kampante ang kanyang bataan dahil importante ang bawat laro sa semis.

“We’re taking it step-by-step, one game at a time until we reach our goal. At least, little-by-little, we’re getting there. We just have to be consistent to be able to sustain our run,” sambit ni Pascua.

Aasahan ng High Speed Hitters si middle blocker Mika Reyes na malaki ang improvement ng laro sa season na ito.

Nagtala si Reyes ng 16 puntos sa kanilang panalo kontra sa Lady Troopers.

Ngunit maganda rin ang mga laro ng kanyang teammates gaya ni national mainstay Dell Palomata gayundin nina Jules Samonte, Fiola Ceballos at playmaker Rhea Dimaculangan.

Wala pang linaw kung makalalaro si top scorer Ces Molina na nagtamo ng injury sa eliminasyon.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

PLDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with