^

PM Sports

PLDT malakas ang signal sa semis!

Chris Co - Pang-masa
PLDT malakas ang signal sa semis!
Nakawala sa depensa ni Ivy Perez ng Army ang kill ni Jules Samonte ng PLDT.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Mabilis na napataob ng PLDT ang Philippine Army sa bendisyon ng 25-22, 25-18, 25-21 iskor upang masikwat ang unang panalo sa semifinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umangat agad sa 1-0 ang High Speed Hitters habang bagsak ang Lady Troopers sa 0-1 marka.

Importante ang bawat laro sa semis dahil matapos ang round-robin, ang dalawang mangungunang koponan ang aabante sa finals.

Bumandera sa matikas na kamada ng High Speed Hitters si middle blocker Mika Reyes nang magpasabog ito ng 16 puntos tampok ang 15 attacks.

Balanse ang naging ratsada ng PLDT dahil nakakuha si Reyes ng solidong suporta sa kanyang mga ka­tropa kabilang na si middle blocker Dell Palomata na bumanat ng 12 puntos.

Nagpako naman si Chin Chin Basas ng 11 mar­kers habang may all-around game si Fiola Ceballos na may 10 puntos, 15 digs at 14 receptions.

Nakagawa si outside hitter Jules Samonte ng siyam na puntos at 12 digs.

Ramdam ang presensiya ni playmaker Rhea Dimaculangan na may 24 excellent sets para sa PLDT kumpara sa pitong sets lamang na nagawa ni Army top setter Ivy Perez.

Umiskor si Honey Royse Tubino ng 10 puntos para sa Lady Troopers.

Wala nang iba pang mi­yembro ng Army ang nagtala ng double digits kung saan tanging walo ang naikonekta  ni Nene Bautista at anim mula kay Mary Jean Balse.

Malayo ang High Speed Hitters kung attacks ang pag-uusapan kung saan nakalikom ito ng 52 hits laban sa 39 ng Lady Troopers.

Nakaungos din ang PLDT sa blocks (4-1) at aces (6-3).

vuukle comment

PLDT

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with