^

PM Sports

PLDT swak sa semis

Chris Co - Pang-masa
PLDT swak sa semis
Hinatawan ni Alyssa Valdez ng Creamline si Ivy Perez ng Army.
Jun Mendoz

MANILA, Philippines — Mas malakas ang signal ng PLDT Home Fibr nang palugmukin nito ang Cignal HD, 25-19, 25-20, 21-25, 25-22, upang masikwat ang puwesto sa semis ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Maningning na winakasan ng High Speed Hitters ang eliminasyon tangan ang 4-2 rekord habang nahulog sa parehong kartada ang HD Spikers.

Magkasalo ang PLDT at Cignal sa No. 2 spot.

Sinamantala ng High Speed Hitters ang pagkawala ng ilang key players ng HD Spikers kung saan hindi nasilayan sa aksyon sina top hitters Rachel Anne Daquis, Chay Troncoso at Roselyn Doria dahil sa magkakaibang kadahilanan habang wala rin si Ces Molina na nagpapa­galing pa sa injury.

Bumanat si middle blocker Mika Reyes ng 14 puntos buhat sa 12 attacks at dalawang blocks para tulu-ngan ang High Speed Hitters na makuha ang panalo.

Naglista naman si Fiola Ceballos ng 13 hits at 10 receptions habang kumana si Jules Samonto ng siyam na puntos at nakagawa si Chin Chin Basas ng walong markers.

Pitong players lamang ng HD Spikers ang naglaro sa pangunguna ni Klarisa Abriam na umiskor ng 15 puntos para pamunuan ang kanilang tropa.

Nagdagdag naman si Angeli Araneta ng 14 puntos at 20 digs samantalang nag-ambag si Ria Meneses ng 11 hits tampok ang apat na blocks.

Ngunit hindi ito sapat para makuha ng Cignal ang panalo.

Sa unang laro, engrandeng tinapos ng Open Conference champion Creamline ang eliminasyon matapos ilampaso ang Philippine Army, 25-20-25-22, 25-16.

 

 

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with