^

PM Sports

Bantay COVID

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dati, pakundisyon at preparasyon lamang ang pinaka­malaking sangkap, kasama ang magandang lineup, sa paghabol ng PBA championship.

Karagdagan sa ngayon ang disiplina sa pag-iwas sa COVID-19.

Dahil maaaring maganda ang kondisyon at preparadong-preparado ang isang magaling na manlalaro, pero kapag nag-test positive sa COVID-19, eh pwersadong mag-isolate at makakabalik lamang sa laro kapag na-clear na malinis na sa virus.

Maaaring maganda ang ratsada ng isang koponan, pero kapag napasok ng virus ang koponan, maaaring mawindang ang kanilang title aspiration.

Yan ang hinaharap na karagdagang laban ng walong natitirang koponan na nagbabakbakan para sa PBA Season 47 Philippine Cup crown.

“Hanggang may natitirang walong available pla­yers, tuloy ang laro ng isang team. Kapag pito na lamang, bibigyan ng ilang araw na pahinga and afterwards, mag­de-decide ang liga. Hindi pwedeng maghintay ng matagal dahil may commitment tayo sa TV at sa playing v­enues,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

Ibig sabihin, ang koponang tamaan ng malaking numero ng COVID-19 eh maaaring maharap sa forfeiture.

Ilang koponan na ang may mga individuals na dumaan sa health protocols at naka-miss ng mga laro gaya na lamang nina San Miguel coach Leo Austria at ilang miyembro ng kanyang coaching staff. Dumaan na rin dito sina NLEX coach Pido Jarencio at staff, at kahit na ang PBA commissioner mismo.

“So kailangan talagang mag-ingat lalo na at nasa crucial phase na tayo ng conference,” ani Marcial.

Lumamang na ang Magnolia at Meralco kontra NLEX at Barangay Ginebra, 1-0, sa kanilang best-of-three quarters series. Samantalang tatangkain ng top seed San Miguel Beer at second seed TNT ang pagpasok na sa Final Four kontra No. 8 Blackwater at No. 7 Converge bukas ng gabi sa Big Dome.

vuukle comment

COVID

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with