EJ target ang medalya sa World Championships
MANILA, Philippines — Ang anumang medalyang makukuha ni national pole vaulter Ernest John Obiena sa 2022 World Athletics Championships ay sapat na para makagawa siya ng kasaysayan.
Ang 6-foot-2 na si Obiena, ang Asian championship at Southeast Asian Games record-holder, ang highest ranked sa 16-man group bilang World No. 6.
Nangunguna sa kabilang grupo sina Tokyo Olympic gold medalist at world record owner Armand Duplantis ng Sweden, World No. 2 Christopher Nilsen ng United States at 2016 Rio Olympics gold winner Thiago Braz ng Brazil.
Magsisimula ang qualification stage ngayong alas-6 ng umaga (Manila time) ng World Athletics Championships sa Eugene, Oregon.
Dadalhin ng 26-anyos na si Obiena sa nasabing torneo ang kanyang personal best na 5.93 meters at season-best na 5.92m.
Para makausad sa finals ay kailangan ni Obiena na malundag ang 5.80m o kaya ay tumapos sa top 12.
- Latest