^

PM Sports

Ramos bumuhat ng 4 na ginto sa Tashkent meet

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos si Angeline Colonia ay si Rose Jean Ramos naman ang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas makaraang bumuhat ng apat na gold, isang silver at isang bronze medal sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Winalis ng 17-anyos na tubong  Zamboanga City ang tatlong gintong medalya sa snatch (70 kgs), clean and jerk (83 kgs) at total lift (153 kgs) sa women’s 45-kilogram youth division (13-17 years old).

“Congratulations,” pagbati ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa kanyang kababayang si Ramos.

Nakalambat din siya ng isang ginto sa snatch (70 kgs) at tig-isang pilak sa total lift (153 kgs) at tansong medalya sa clean and jerk 83 kgs) sa junior’s division (15-20 years old).

Nauna nang kumolekta ang 15-anyos na si Colonia ng dalawang gold at isang silver medal tampok ang pagbasag sa world at Asian records sa women’s 40kg category.

Sina Ramos at Colonia ang dalawa sa mga inaasahang susunod sa mga yapak ng 31-anyos na si Diaz.

Samantala, nakatakdang sumalang ang 16-anyos na si Rosegie Ramos at ang 18-anyos na Asian at Southeast Asian Games champion na si Vanessa Sarno ngayon.

vuukle comment

OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with