^

PM Sports

E-Painters diniskaril ang Bossing

Russell Cadayona - Pang-masa
E-Painters diniskaril ang Bossing
Nakalusot si Rain or Shine guard Rey Nambatac kina Joshua Torralba at James Sena ng Blackwater.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Hinarang ng Rain or Shine ang papasok ng Blackwater sa quarterfinals matapos agawin ang 107-90 panalo sa 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang ikalawang sunod na ratsada ng Elasto Pain­ters matapos ang six-game losing slump ang nagtaas sa kanilang baraha sa 3-6 para makasilip ng tsansa sa eight-team quarterfinals cast.

Tumipa si Rey Nambatac ng 26 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals  habang may 20, 12 at 10 markers sina rookie Gian Mamuyac, Beau Belga at Gabe Norwood, ayon sa pagkakasunod.

“Lagi kong sinasabi sa mga bata (rookies) na galing na kami sa sitwasyon na ganito, so alam na namin kung ano iyong culture sa game na ito,” sabi ni Nambatac.

Nalasap ng Bossing ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan para sa 5-3 marka matapos magposte ng four-game winning streak.

Inagaw ng Blackwater ang 40-31 abante sa gitna ng second period  bago nakaba­ngon ang Rain or Shine para ilista ang 11-point lead, 63-52, sa 5:27 minuto ng third quarter.

Nakalapit ang Bossing sa 76-80 agwat sa 9:37 minuto ng final canto sa pagbibida nina No. 1 overall pick Brandon Ganuelas-Rosser,  rookie Ato Ular at Baser Amer.

Ngunit isang 19-7 atake ang ginawa ng Elasto Pain­ters tampok ang three-point shot ni big man Norbert Torres para sa kanilang 99-83 kalamangan sa huling 2:27 minuto.

Sa ikalawang laro, kinur­yente ng Meralco (5-3) ang Barangay Ginebra (6-3) mula sa 90-73 panalo para patibayin ang pag-asa sa quarterfinals.

 

vuukle comment

RAIN OR SHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with