^

PM Sports

CSB nauna na sa Final Four

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mataas pa rin ang laro ng College of Saint Benilde nang ilampaso nito ang Jose Rizal University, 25-13, 25-21, 25-9, para hablutin ang unang silya sa semis ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 97 women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena  sa Maynila.

Hindi maawat ang Lady Blazers na naglatag ng solidong laro sa buong panahon ng laban para matamis na kubrahin ang ikapitong sunod na pananaig.

Muling nanguna si Jade Gentapa sa atake ng Talf-based squad nang paka­walan nito ang 14 spikes at dala­wang aces para pamunuan ang kanilang tropa na ma­panatili ang malinis na rekord.

Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Benilde para makumpleto ang matamis na sweep sa eliminasyon.

Kung mawawalis ng Lady Blazers ang lahat ng siyam na asignatura nito, awtomatiko itong uusad sa finals.

Nagdagdag naman si Michelle Gamit ng 12 puntos kabilang ang apat na aces habang naglista sina Gayle Pascual,  Mycah Go at  Cristy Ondangan ng tig-pitong puntos.

Dominado ng Benilde ang buong panahon ng laro matapos maglista ng 44 attacks laban sa 25 lamang ng Jose Rizal.

Nakakuha pa ng 19 libreng puntos ang Benilde sa mga errors ng Jose Rizal.

Nahulog ang Lady Bombers sa 3-4 marka.

 

vuukle comment

JOSE RIZAL UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with