Malonzo bagong reinforcement ng Gilas

MANILA, Philippines — Dagdag na reinforcement ang posibleng makasama ng Gilas Pilipinas sa pangunguna ni Fil-Am standout Jaime Malonzo ng NorthPort para sa mga hinaharap na torneo.

Ayon kay Gilas program director at head coach Chot Reyes, napag-alaman nilang eligible maglaro si Malonzo bilang local player at hindi naturalized dahil mayroon na itong Philippine passport noong bata pa lang.

Sa katunayan ay rehistrado na si Malonzo kamakailan lang sa FIBA portal bilang opisyal na local player na puwedeng mabunot ng Gilas sa kahit anong FIBA-sanctioned tournament.

“Matagal na na­ming alam pero hindi lang nilalabas pa kasi hindi pa approved sa FIBA. Pero noong lumusot na sa FIBA portal, it’s no longer any secret,” ani Reyes na siyang mismong kumausap sa nanay ni Malonzo sa United States upang makahingi ng kopya ng passport.

Show comments