^

PM Sports

CSB magpapatatag sa tuktok  

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapatatag ang kapit sa solong pamumuno at maingatang madungisan ang rekord ang pakay ng College of Saint Benilde sa pagsagupa nito sa mapanganib na San Sebastian College-Recoletos sa pagpapatuloy ng NCAA Season 97 women’s volleyball tournament nga­yong araw sa Paco Arena sa Maynila.

Haharapin ng Lady Blazers ang Lady Stags sa alas-12 ng tanghali na susundan ng salpukan ng Mapua University at San Beda University sa alas-2:30 ng hapon.

Nangunguna ang Benilde hawak ang malinis na 5-0 rekord kabuntot ang reigning champion Arellano University (5-1) at San Sebastian (4-1).

Sariwa pa ang Lady Blazers sa matikas na 25-17, 25-11, 25-12 panalo laban sa Lady Cardinals para ukitin ang kanilang ikalimang sunod na panalo.

Bida sa naturang laro si Mycah Go na naglista ng 12 hits at 10 receptions.

Maliban kay Go, naasa­han din ng Benilde sina Jade Gentapa at Gayle Pascual habang si Cloanne Mondonedo naman ang sasandalan ng Lady Bla­zers sa playmaking.

Sa kabilang banda, mataas din ang moral ng San Sebastian na nama­yani sa University of Perpetual Help System Dalta sa 24-26, 26-28, 25-20, 25-20, 17-15 desisyon.

Hangad ni Lady Stags head coach Roger Gora­yeb na mapanatili ang magandang inilalaro ng kanyang tropa upang mapalakas ang tsansa nito sa twice-to-beat advantage.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with