Sino ang susunod na PSC chairman?

MANILA, Philippines — May lumutang nang mga pangalan para sa papalit kay William ‘Butch’ Ramirez bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ngunit wala pang opis­yal na pahayag si Pangulong Bongbong Marcos Jr.  kung sino ang kanyang tatapikin para pamahalaan ang sports agency na dalawang sunod na beses matagumpay na hinawakan ni Ramirez.

Kabilang sa mga ito ay sina dating Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Noli Eala, dating Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, dating Philippine Olympic Committee (POC) chairman at triathlon chief Tom Carrasco at volleyball federation head Ramon ‘Tats’ Suzara.

Dahil sa solidong suporta ay binuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pinas habang dalawang ulit na hinirang na SEAG champion ang bansa.

Show comments