Kilatisin

Pormal nang nailuklok bilang bagong pangulo ng bansa si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kasama ang Philippine Sports Commission sa mga ahensyang naiwang palaisipan pa kung sino ang mamumuno.

Marami ang hakahaka. Mainit ang retention daw ni Chairman Butch Ramirez o ang promotion ni cage legend at commissioner Mon Fernandez tungo sa chairmanship.

Marami ang naulat na nag-apply na makaupo sa five-man PSC board. Sana makilatis ng husto ng screening committee ni BBM ang tunay na may puso sa sports at may kakayahang makatulong isustina ang ratsada ng Philippine sports.

***

Big success ang District 8 Adventist Youth Sportsfest 2022 na aking nilahukan noong Linggo sa Vista Verde North Clubhouse sa Caloocan.

Overall champion ang Team Novaliches pero nagpakita rin ng magandang performance ang kanilang counterparts mula Sushila, Sauyo at North Kalookan.

Masasabing panalo ang lahat mula sa magaling na paggiya ni District Pastor Geryl Paulino, sa assistance ng mga youth leaders na pinamunuan nina Aaron Santos, Russel Alfonso, Ditas Bacalocos, Noemi Pecoro,  Kristel Egang, Benedict Doronila at Nelson Maiso, at ang cooperation ng lahat ng competing teams, participants at supporters.

Sinungkit ng Sauyo ang centerpiece event na men’s basketball. Kasama naman sa mga top individual performers sina Eddie Fernandez sa men’s volleyball, sisters Haiah at Hart Llamada sa women’s volleyball at ang husband-and-wife team nina Nick at Carol Ambahan sa chess at scrabble.

“God led us every step of the way from preparation to execution. I also want to quote Henry Ford: ‘Coming together is the beginning. Kee­ping together is progress. Working together is success,’” ani Pastor Paulino sa blessing of grace na naranasan ng lahat.

Show comments