^

PM Sports

2 malaking break para kay Cone

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pambihirang kara­nga­lan at malaking pagkaka­taon para kay Ginebra coach Tim Cone ang da­lawang bagong oportu­nidad para sa Gilas Pilipinas at Miami Heat bilang dagdag na palamuti sa kanyang makulay at de-ka­libreng karera.

Maituturing na isa sa pinakamagaling na coach sa Pilipinas tampok ang 24 championships sa PBA, sasama si Cone sa coaching staff ng Gilas para sa 2023 FIBA World Cup at sa Heat sa 2022 NBA Summer Lea­gue sa Hulyo.

Sa Gilas ay makaka­sama ni Cone sina head coach at program director Chot Reyes, Nenad Vucinic, Jong Uichico at Goldwin Monteverde.

Pero sabik na siyang makadaupang palad ang mga world-class coaches sa pangunguna ni Steve Kerr ng Team USA na dadayo dito sa Pinas sa susunod na taon.

“I’m extremely happy and completely honored to be a part of it. I don’t think there’s anything more thrilling than ha­ving the greatest coaches and players come to our shores and play basketball. Being part of it is an amazing thing,” ani Cone.

Bagama’t wala pang detalyadong trabaho para sa Gilas, nangako si Cone ng buong suporta kay Reyes.

Upang maisakatuparan ito ay umaasa si Cone sa aral at karanasang makukuha sa Heat bilang assistant coach na makakatulong din sa kanyang karera sa PBA para sa Ginebra at sa Gilas.

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with