^

PM Sports

Big winner ang karerista mula sa Tondo

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Biglang naging mil­yonaryo ang isang kareristang taga-Tondo matapos manalo ng winner-take-all (WTA) noong Hu­webes na karera na gi­nanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Ca­vite.

Namuhunan lang ng P288.00 ang karerista sa­pat upang masolo ang P2,123.280.60 dibidendo ma­tapos manalo ang pitong kabayong napili niya sa pitong races.

Nakuha ng karerista ang mga nanalong Work From Home, Chloespirit, Big Bertha, Double Rock, O Sole Mio, Beli Bell at Mar­kees Angel  mula race 1 hanggang race 7, ayon sa pagkakasunod.

Nagpalaki ng dibiden­do ng winner-take-all ay ang pagkakapanalo ng de­hadong O Sole Mio na sinakyan ni jockey John Alvin Guce.

Sinabi ni Philippine Ra­cing Commission (PHIL­RACOM) chairman Reli De Leon na na­patunayan na hindi kailangang mamuhunan ng malaking taya para manalo at maging mil­yonaryo at kailangan lamang na pag-aralan ang performances ng mga kabayong tatakbo.

“This goes to show that one does not have to place a big investment to win millions in horse racing. I am just happy for all those big winners! May we have more bettors who win millions out of a small capital,” wika ni Leon.

Wala namang nakakuha sa Pick Six event kaya magkakaroon ng carry-over sa susunod na karera sa pista ng San Lazaro.

Ang pinakamalaking na­panalunan na WTA nga­­yong taon ay P4.5 mil­yon noong Pebrero 20 pangalawa noong Marso na may mahigit na P3 mil­­yon at pangatlo noong Huwebes.

 

vuukle comment

RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with