Brickman, Aquas lumapit sa korona
MANILA, Philippines — Pinaulanan ng Kaohsiung Aquas ang Taichung Suns, 112-82, sa Game 2 ng best-of-three finals upang lumapit sa kampeonato ng inaugural T1 League sa Fengshan Gymnasium sa Taiwan.
Nagtala si Fil-Am guard Jason Brickman ng 11 points, 13 assists at 4 rebounds para trangkuhan sa 2-0 kartada ang No. 1 seed na Kaohsiung.
Nauna nang kumamada si Brickman ng 19 points, 14 assists, 8 rebounds at 3 steals sa 101-99 panalo nila sa Game 1 kamakalawa.
Ayaw naman paawat ni Hu Long-mao na humataw ng 38 markers, 5 assists, 3 steals at 2 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Aquas sa Suns sa serye.
Sumuporta sa kanila sina Ferrakohn Hall at Mindaugas Kupsas na may 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.
Susubok ang Kaohsiung na makumpleto ang 3-0 sweep para masungkit ang kauna-unahang T1 League championship sa Game 3 ngayon sa National Taiwan University of Sport Gymnasium.
Tanging sina Sani Sakakini at Su Yi-chin lang ang nakapagpasiklab para sa No. 2 seed na Taichung.
Hindi nakatulong sa Suns ang malamyang two-point, three-assist outing ni Jordan Heading bilang isa pang pambato ng Pinas sa Taiwan.
- Latest