Team Philippines magiging handa sa 2023 SEAG
MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Philippine Olympic Committee (POC) na lalaban para sa overall crown ang mga Pinoy athletes sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa susunod na taon.
Ito ay dahil sa pagbabalik sa regular na training ng mga atleta bunga ng pagbaba ng mga coronavirus disease (COVID-19) cases sa bansa.
“Magkaroon na sana tayo ng mas mahabang training,” sabi ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online forum.
Tumapos sa fourth place ang Team Philippines sa nahakot na 52 gold, 70 silver at 104 bronze medals sa nakaraang SEA Games sa Hanoi, Vietnam.
Dinomina ng mga Vietnamese ang biennial event na pinagharian ng mga Pinoy athletes noong 2019 Manila edition.
- Latest