^

PM Sports

Bonus ng mga medalists sa Vietnam SEAG ibibigay sa Martes

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tutungo sa Malacañang ang mga atletang sumungkit ng medalya sa katatapos na 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.

Inimbitahan ni president Rodrigo Duterte ang mga atletang nag-uwi ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals upang parangalan ang kabayanihan nila sa nasabing biennial meet.

Makakasama ng mga atleta ang kanilang coach at isang opisyales sa kina-aanibang NSA.

Posibleng maibigay na din sa araw na iyon ang cash incentives ng mga atleta na tinatayang may kabuuang P32.4 milyon.

Nakasad sa batas na ang SEA Games gold ay nagkakahalaga ng P300,­­000, habang tig- P150,000 at P60,000 sa silver at bronze ayon sa pagkakasunod kaya tiyak na magsasaya ang mga atleta sa loob ng palasyo.

At kung bubwenasin ay baka magkaroon ng sorpresang bonus mula sa Chief Executive.

Tumapos ng fourth overall ang Pilipinas sa na­sabing biennial meet, kampeon ang host Vietnam, pangalawa ang Thai­land habang third ang Indonesia.

Noong 2019, nag- overall champion ang Pi­lipinas sa SEA Games na ginanap sa bansa kung saan humakot ang Pinoy athletes ng 149 gold, 117 silver, 121 bronze para sa 387 total medals.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with