^

PM Sports

Letran back-to-back champions

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang winalis ng Letran Knights ang Ma­pua Cardinals sa kanilang championship series para angkinin ang ikalawang sunod na korona sa Season 97 NCAA men’s basketball kahapon sa Filoil F­lying V Arena sa San Juan City.

Muling pinatumba ng Knights ang Cardinals sa Game Two, 75-65, para kumpletuhin ang 2-0 sweep sa kanilang best-of-three titular showdown at angkinin ang ika-19 korona.

Humataw si Rookie of the Year at Most Valuable Player Rhenz Abando ng 14 points, 12 rebounds at 2 blocks para pamunuan ang Letran ni coach Bonnie Tan na kinuha ang Game One, 68-63.

Nag-ambag si PBA-bound Jeo Ambohot ng 13 markers at kumolekta si Louie Sangalang ng 11 points, 13 boards, 4 assists at 3 blocks.

Huling naging back-to-back champions ang Knights noong 1998 at 1999 habang dinuplika nila ang season sweep ng San Beda Red Lions noong 2010.

Ipinoste ng Letran ang 21-point lead, 44-23, sa second period bago nakadikit ang Mapua sa 65-70 sa huling 2:13 minuto ng fourth quarter mula sa triple ni Paolo Hernandez.

Ang dalawang magkahiwalay na basket ni Abando ang muling naglayo sa Knights sa 74-65 sa nalalabing 1:13 minuto.

Tumipa sina Hernandez at Adrian Nocom ng tig-14 points para sa Cardinals at may 12 at 10 markers sina Brian Lacap at Arvin Gamboa, ayon sa pagkakasunod. 

vuukle comment

LETRAN KNIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with