^

PM Sports

Letran kukunin ang titulo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pipilitin ng nagdedepensang Letran Knights na kumpletuhin ang 2-0 sweep sa Mapua Cardinals para angkinin ang ka­nilang back-to-back cham­pionship.

Magtutuos ang Knights at Cardinals nga­yong alas-3 ng hapon sa Game Two ng Season 97 NCAA men’s basketball championship sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Inaasahang makakamit ni Rhenz Abando ng Letran ang NCAA Roo­kie of the Year at Most Valuable Player awards matapos magposte ng mga averages na 15.73 points, 6.36 rebounds, 1.73 assists at 1.27 blocks per game.

Makaraang isu­ko ang Game One, 63-68, ay determinado ang Mapua na makatabla para makahirit ng ‘winner-take-all’ Game Three sa susunod na Linggo sa MOA Arena sa Pasay City.

Hangad ng Letran ang kanilang ika-12 sunod na panalo at magiging unang koponan na nakawalis at nagkampeon sa isang NCAA season matapos ang San Beda noong 2010.

 

 

vuukle comment

LETRAN KNIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with