^

PM Sports

Team Philippine ‘di matinag sa no. 3 spot sa Vietnam SEA Games

Russell Cadayona - Pang-masa
Team Philippine �di matinag sa no. 3 spot sa Vietnam SEA Games
Kinubra ni Caloy Yulo ang kanyang ika-5 ginto.
Jun Mendoza

Yulo naka-5 ginto, 2 pilak

MANILA, Philippines — Hindi binitawan ng Team Philippines ang No. 3 spot sa medal standings habang matagumpay na tinapos ni two-time world champion Caloy Yulo ang kanyang kampanya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kahapon.

Kumolekta ang mga Pinoy athletes ng 10 gold medals tampok ang dalawa ni Yulo sa gymnastics at apat sa dan­cesport para iposte ang 30 golds, 34 silvers at 44 bronzes at maupo sa third spot sa medal tally.

Inangkin ng 22-anyos na si Yulo ang dalawang gintong medalya sa vault (14.800 points) at sa high bar (13.867 points) para idagdag sa individual all-around, floor exercise at still rings.

May dalawa rin siyang pilak na medalya sa parallel bars at team competition.

Si Rolando Albuera ang unang gymnast na ku­molekta ng limang golds na ginawa niya no­ong 1979 SEA Games sa Jakarta, Indonesia.

Ang isang gold medal sa SEA Games ay may katumbas na cash incentive na P300,000 habang ang silver at bronze ay P150,000 at P60,000, ayon sa pagkakasunod.

Tatlong ginto ang si­nik­wat nina Ana Nualla at Sean Aranar sa Single Standard Dance Tango, Single Dance Standard Viennese Waltz at All Five Dances Standard ng dancesport.

Nag-ambag ng isang ginto sina Mark Gayon at Mary Renigen sa Single Standard Slow Foxtrot.

Sa athletics, itinakbo ni Clinton Kingsley Bautista ang gold sa men’s 110-meter hurdles sa ti­yempong 13.78 segundo para burahin ang sariling 13.97 marka noong 2019 Manila SEA Games.

Nauna nang humakot ng ginto at naglista ng bagong record sa athle­tics sina World No. 6 pole vaulter Ernest John O­biena at Fil-Am William Morrison sa shot put.

Sa taekwondo, kumo­lekta si Jocel Lyn Ninobla ng 7.765 points para sa pagdedepensa ng ginto sa women’s individual re­cognized poomsae event.

Nagpagulong si Merwin Tan ng total score na 1292 sa men’s singles para sa unang ginto ng bansa sa bowling matapos maghari si Frederick Ong noong 2011 Jakarta SEA Games.

Nag-ambag din ng gold si Chloe Isleta matapos bumandea sa wo-men’s 200m backstroke event ng swimming competition.

vuukle comment

CALOY YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with