Lady Falcons dinagit ang Lady Tams
MANILA, Philippines — Dinagit ng Adamson University Lady Falcons ang three-game winning streak matapos nilang tukain ang Far Eastern University Lady Tamaraws, -25, 25-9, 25-18, 25-18 sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, kahapon.
Tumikada si Lucille May Almonte ng 17 points upang tulungan ang Lady Falcons na ilista ang 3-2 record at ipalasap sa Lady Tamaraws ang pang-apat na talo sa limang laro.
Binaon ng Adamson ang FEU ng 10 puntos sa fourth set subalit bahagyang lumapit ang Lady Tams sa hinataw ni Ju-lianne Monares na back-to-back hits, 16-22.
Agad naman na sumagot ng puntos ang Lady Falcons, nagsanib puwersa sina Trisha Genesis at Lorene Toring para tapusin ang laban.
Malaking ambag din ang siyam na puntos ni Toring para sa Lady Falcons na nakalasap muna ng 0- 2 karta bago nakatikim ng panalo.
Kumana si Nikka Medina ng 13 markers.
Sa ikalawang laro, nananatiling matikas ang katayuan ng National University Lady Bulldogs nang sakmalin ang University of Santo Tomas Golden Tigresses, 25-21, 25-21, 21-25, 25-15.
Kinamada ni Mhicaela Belen ang 16 points, lahat ay galing sa attack kasama ang 11 excellent digs at 11 receptions upang akbayan ang Lady Bulddogs na ilista ang malinis na limang panalo.
- Latest