^

PM Sports

Letran, Mapua agawan sa 1-0 lead

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ng nagde­de­­pensang Letran Knights ang kanilang ika-11 sunod na panalo sa pagharap sa Mapua Car­dinals sa NCAA Season 97 men’s basketball championship sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang Game One ng best-of-three title series ng Knights at Cardinals ngayong alas-3 ng hapon.

Winalis ng Letran ang siyam na laro sa elimination round at sinibak ang No. 4 Perpetual, 77-75, sa Final Four habang nakalusot ang Mapua sa No. 3 San Beda Red Lions, 70-67, sa kanilang ‘do-or-die’ game.

Dinomina ng Knights ang Cardinals, 80-60, sa eliminasyon noong Abril 8.

Sina Fran Yu, Rhenz Abando, Jeo Ambohot, Louie Sangalang at Brent Paraiso ang babandera para sa Letran kontra kina Arvin Gamboa, Brian Lacap, Paolo Hernandez at Toby Agustin ng Mapua.

“Para sa akin, ayoko nang maging bridesmaid ulit. Ayoko nang ma­ging runner-up,” sabi ni Abando na bahagi ng UST Growling Tigers na natalo sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP Finals noong 2019.

Target ng Knights ang kanilang ikalawang su­nod na korona habang ha­ngad ng Cardinals ang una nilang titulo matapos noong 1991 sa panahon nina coach Randy Alcantara at Benny Cheng.

vuukle comment

LETRAN KNIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with