^

PM Sports

Todo puwersa

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nakatakdang lumipad ngayon ang Gilas Pilipinas patungong Hanoi, Vietnam upang idepensa ang isa sa pinaka-importanteng SEA Games title na ta­ngan ng bansa.

Matalo na sa lahat, huwag lang sa basketball – iyan ang laging sambit ng lahat, at malaking hamon na tinanggap ni coach Chot Reyes at ng kanyang koponan na pinangungunahan nina June Mar Fajardo at Kiefer Ravena.

Kaya naman kahit na mayroon pa ring humihiyaw ng “overkill,” nagdesisyon si coach Chot na magdala pa rin ng mga PBA stars sa misyong palawigin ang Phi­lippine dominance sa SEAG men’s basketball.

Unang-una, hindi minamaliit ni coach Chot ang SEAG competition.

Seryoso niyang tinitingnan ang Indonesia, Thailand at Vietnam.

Tunay na determinado ang Indonesia sa pagpapalakas, sa paghahanda nila na mag-qualify sa 2023 FIBA World Cup kung saan kasama nila ang Pilipinas at Japan bilang mga host countries.

Kamakailan lang ay ni-recruit ni coach Rajko Toroman si dating Cleveland Cavalier Marques Bolden upang humalili kay Lester Prosper bilang naturalized player ng Team Indonesia.

Eight-time SEAG silver medalist ang Thai­­­land, samantalang ga­­ling sa bronze-medal breakthrough showing ang Vietnam.

Obviously, target ng Vietnam na mag-con­tend sa Hanoi kaya’t lu­milok ng long-term program na kinapapa­looban ng ilang Vietna­mese-American recruits. Nagbunga na ito ng bronze medal sa 2019 SEA Games sa Manila.

Kaya’t kung ako si coach Chot, hindi ko rin babalewalain ang bakbakan sa Hanoi.

Sa todo-puwersa ako, kaysa harapin ang posibilidad na masilat.

 

vuukle comment

SEAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with