^

PM Sports

Sotto sasalang sa workouts ng 12 NBA teams

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabibigyan ng pagkakataon si Filipino teen sen­­sation Kai Sotto na magpasiklab at makuha ang tiwala ng ilang NBA teams sa nakatakdang team workouts simula sa Mayo 23.

Ayon kay Adam Zagoria ng New York Times, aabot sa 12 koponan ang lalahukang team workouts ni Sotto upang makilatis ang kanyang galing at kaka­yahan papasok sa NBA.

Nakabalik na si Sotto sa Amerika at kasaluku­yang nagsasanay sa gabay ng kanyang management na East West Private sa Atlanta para maghanda sa mga team workouts.

Sa ngayon ay wala pa rin sa Top  60 ng ilang mock drafts ng international sports outlets si Sotto subalit ayon sa kanyang agent ay tiwala silang matatawag siya sa second round.

Umaasa si Sotto sa kanyang pambihirang tangkad na 7-foot-3 at karanasan sa international basketball scenes sa batang edad na 18-anyos.

Kagagaling lang ni Sotto sa impresibong kam­panya sa Australia National Basketball League (NBL) para sa Adelaide 36ers tampok ang rehistrong 7.6 puntos sa 51-percent field goal at 39-percent three point clip, 4.5 rebounds at 0.7 na tapal sa 15 minutong aksyon sa 23 na laro.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with