^

PM Sports

Puso ng pangulo sa sports

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ilang araw na lamang eh, bababa na sa puwesto si Presidente Duterte at hahalili ang mananalo sa halalang idinaos kahapon.

Malaki ang impact sa sports ng pagpapalit ng manunungkulan sa Malacañang.

Sa panahon ni Presidente Duterte, umarangkada nang husto ang Philippine sports.

Biggest highlights ang four-gold haul ng bansa sa 2018 Jakarta Asiad, overall championship sa 2019 Southeast Asian Games at ang breakthrough medal harvest sa Tokyo Olympics na pangunahing tampok ang kauna-unahang ginto na sinungkit ni weightlifter Hidilyn Diaz.

Ano ang tulong ng Malacañang? Ang kumpas na ibuhos ang suporta sa mga national athletes.

Naroon din ang kanyang mismong presensya sa laban ng mga atletang Pilipino.

Di ba’t naroon siya sa Philippine Arena, umiindak pa sa tunog ng musika sa pagparada ng Philippine delegation papasok sa arena?

Kasama sa kanyang suporta ang pagpapatayo ng modern playing venues sa Clark.

Naroon din ang kanyang personal na presensya sa laban ng mga athletes.

Di ba’t ilang laban ng Gilas Pilipinas na naroon siya sa playing venue?

Personal niyang ti­nanggap sa Palasyo ang mga national athletes paalis ng bayan tungo sa laban at mga umuwing atletang dala ang karangalang sinungkit sa ibang bansa.

Sa lagpas tatlong de­­kada ko sa Philippine sports, wala akong naki­tang Pangulo na ta-talo sa arugang ipinakita ni Presidente Duterte sa mga atleta.

Nawa’y may puso rin sa sports ang susunod na Pangulo ng bansa.

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with