^

PM Sports

Ayan na ang Southeast Asian Games

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Last year pa dapat ito ginawa sa Hanoi, Vietnam pero dahil nga sa COVID-19 pandemic, na-move siya ngayong May sa pakiusap ng host country.

Sa May 12 to 23 pa ang actual na kompetisyon pero may ilang sports ang nakapagsimula na bago pa man ang opening ceremony gaya ng football kung saan tinalo ng Phl booters ang Timor Leste, 4-0 para sa magandang simula ng kampanya ng Team Philippines.

Sa pagho-host natin ng SEA Games noong 2019, tayo ang overall champion sa 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals na hinakot ng mga Pinoy athletes.

Dahil sa COVID-19 na nakaapekto sa training ng mga atleta gayundin sa budget at iba pang kadahilanan, mahihirapan ang mga pambato nating athletes na pa­ngu­ngunahan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na maidepensa ang overall title.

Kaya nga si Philippine delegation Chef de Mission Ramon Fernandez, happy na kung makaka-third place overall finish ang Pinas.

Matapos mag-runner-up sa likod ng Team Philippines noong 2019, sasamantalahin ngayon ng Vietnam ang pagkakataon bilang host para makuha ang overall title.

Maraming event ang nawala kung saan humakot ng gold ang Pinas tulad ng arnis kung saan 14 golds tayo noong 2019 at siyempre ipinasok ng Vietnam ang mga sports na malakas sila.

Pero siyempre, Pinoy tayo, hindi tayo patatalo…. Laban!!!

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with