^

PM Sports

NBA MVP race

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kasabay ng kanilang debate sa kung sino ang magiging MVP sa PBA Season 46, nagbalitaktakan din ang aking mga katoto sa Kubo ni Kandong sa kung sino ang maluluklok na NBA MVP.

Tingin ni Kandong eh, magba-back-to-back MVP ang pambato ng Denver Nuggets na si Nikola Jokic kahit na maaga silang nalaglag sa playoffs.

Aniya, mabigat ang pagbitbit ni Jokic sa Nuggets kahit nawala dahil sa injury ang dalawa pang Denver stars na sina Jamal Murray at Michael Porter Jr.

Malupit nga naman na nag-average si Jokic ng 27 points per game at nagtahi ng unang NBA season tally markado ng 2,000 points, 1,000 rebounds at 500 assists.

Kontra naman sina Kagawad Dennis Alemania at Odie Chua na pabor kay Giannis Antetokounmpo.

Anila mabigat din ang regular season stats ng Greek Freak, mas mataas ang tinapos sa regular season standings (No. 3 sa East) at mas malalim na ang inabot sa playoffs.

Kasama si Joel Embiid sa mga panguna­hing kandidato. Ang ma­sama eh, nagdede­likado ngayon ang ka­nilang kampanya dahil sa injury ng Philadelphia 76ers star center.

Kasama ring kuma­karera sina Devin Boo­ker ng Phoenix, DeMar DeRozan ng Chicago, Ja Morant ng Memphis, Jayson Tatum ng Boston, Luka Doncic ng Dallas, Stephen Cur­ry ng Golden State at Karl-Anthony Towns ng Minnesota.

Kung mabigat ang MVP race, ganoon din ang karera para sa Mythical Selections (First Five, Se­cond Best, Third Five).

Pinakamadugo ang bak­­bakan sa center at guard spots.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with