^

PM Sports

Unbeatable tandem

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Excited nang umariba muli ang PBA pagkatapos mailatag ang mga programa for Season 47 sa kanilang annual planning session na ginanap over the weekend sa Boracay.   

Kung hindi na mananalasang muli ang pandemya, nakakambiyo sila tungo sa muling paghahatid ng tatlong komperensya -- bagay na hindi nila nagawa noong 2020 at 2021.    

Dagdag pangiliti ang pagsali ng Dragons team ng East Asia Super League sa Commissioner’s Cup -- ang second conference na may mga imports 6-10 below.    

Nariyan din ang asam nilang muling maihatid ang All-Star Extravaganza, programa na ang kita ay napupunta sa Players’ Trust Fund.

Patuloy ang partnership nina Chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial sa pamumuno sa liga.   

Papasok sila sa kanilang pang-limang termino. Di­re-diretso na ibig sabihin eh, tangan nila ang buong kum­piyansa ng mga kasama sa PBA board.   

Actually, pang-anim na termino na overall ito ni Var­gas, one short sa seven-season record ni Domingo Itchon ng Elizalde Group noong 1976-1982.    

“The board had  a successful planning session, and the league is excited to execute the plans and programs crafted, looking forward to sustaining whatever momentum we’ve got noong makabalik laro tayo in front of the fans in the last Governors’ Cup,” ani Marcial.   

“We are all hoping diretsong makabangon ang bayan sa hagupit ng pandemya. Kami sa PBA, gagawin namin ang best effort para mapasaya ang mga Filipino cage fans,” dagdag ni Marcial.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with