^

PM Sports

Sotto wala ang pangalan sa mock draft

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mataas-taas na bundok ang aakyatin ni Kai Sotto upang makuha ang tiwala ng mga NBA teams matapos magdeklara sa 2022 NBA Rookie Draft sa Hunyo.

Ayon sa ilang mock draft at projected ran­kings lagpas isang buwan pa bago ang rookie draft proceedings ay wala sa listahan ang 7-foot-3 Filipino sensation.

Wala si Sotto sa Top 60 mock draft ng B­leacher Report, USA Today at Sports Illustra­ted na madalas na limit para sa dalawang rounds ng NBA Rookie Draft. Wala rin siya sa CBS Sports at NBC Sports na naglabas naman ng projected picks sa first round.

Maging sa Top 100 ng NBADraft.net ay wala si Sotto subalit sa kabutihang palad ay pasok siya sa Top 100 rankings ng ESPN sa ika-99 na puwesto at ika-11 sa listahan ng best centers na umaa­sang makasampa sa NBA.

Swak din siya sa ika-113 na puwesto ng NBA Draft Room na maihahalintulad ang kanyang laro kina Rik Smits ng Netherlands at Alexis Ajinca ng France.

Na-draft bilang se­cond overall pick ng India­na Pacers si Smits noong 1988 habang 20th pick ng Charlotte Bobcats si Ajinca noong 2008.

Sa kabila nito, hindi nawawalan ng pag-asa si Sotto na sasandal sa kanyang potensiyal bilang 19-anyos pa lang na manlalaro na hitik na sa karanasan sa Ateneo at Gilas Pilipinas dito sa bansa, NBA G League sa Amerika at National Basketball League sa Australia.

Bukod dito, umaasa si Sotto na maiimbitahan sa NBA Rookie Draft Combine sa Mayo 16-22 upang maipamalas ang kanyang galing sa harap ng mga coaches at scouts.

Sa Hunyo 23 gaganapin ang NBA Rookie Draft sa Brooklyn, New York.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with