MVP race
One-on-one: Scottie Thompson versus Calvin Abueva.
Malamang sa malamang, ‘yan na ang magiging bakbakan para sa PBA Season 46 MVP award.
Parehong MVP official candidates na ang dalawa dahil sinungkit ni Abueva ang Philippine Cup Best Player of the Conference award, samantalang ibinulsa naman ni Thompson ang Governors’ Cup BPC plum.
May tangang mabigat na stats sa buong season ang maaaring sumama kina Thompson at Abueva bilang kandidato.
Maaari ‘yan sina Robert Bolick ng NorthPort, Matthew Wright ng Phoenix o Mikey Williams ng TNT.
Pero mangyari man ito, malamang na Thompson-Abueva na ang banggaan sa botohan ng mga players, sports media at PBA Commissioner’s Office.
Magandang MVP showdown ito.
Panlaban ni Abueva ang MVP honors sa PBA premier conference samantalang maaaring iyabang ng kampo ni Thompson ang BPC plus Governors’ Cup championship.
‘Yan eh kung tuluyang talunin muli ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa kanilang title duel.
Ang siste pa, malamang na kay Thompson din mapunta ang Finals MVP kung tuluyang lumusot ng Ginebra.
Lintsak ang ipinapakita ni Thompson na biglang sumibol bilang top gun galing sa pagiging role player.
- Latest