^

PM Sports

NBA play-in

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kasado na ang “play-in” matches na magdedetermina ng last two seeds na haharap sa magkahiwalay na Top 2 ng Eastern at Western Conference sa pagsisimula ng NBA playoffs.

Tagatanaw lang si LeBron James at ang LA La­kers habang laban-laban sa last two playoff spots ang LA Clippers, Minnesota Timberwolves, San Antonio Spurs at New Orleans Pelicans sa West.

Sa East, rumble naman ang Cleveland Cavaliers, Brooklyn Nets, Charlotte Hornets at Atlanta Hawks para sa tsansang makaharap ang top seed Miami Heat at No. 2 Boston Celtics.

Maglalaban para sa West No. 7 spot ang Clippers at Timberwolves. Ang matatalo rito ay may huling tsansa pang pumasok sa playoffs kontra sa mananalo sa salpukang Spurs kontra Pelicans.

Ganoon din ang takbo ng play-in tournament sa East.

Paglalabanan ng Cavaliers at Brooklyn ang No. 7 spot. Ang matatalo eh, haharapin ang winner ng Hornets-Hawks duel para sa No. 8 seeding.

At pagkatapos nito eh, simula na ng pinakaaabangang NBA playoffs.

***

Sa local scene, dalawang buga o dalawang panalo na lamang eh, makukuha na ng Meralco ang mithiing unang PBA championship.

Pero mabigat na challenge pa rin ang kanilang hinaharap kontra Baran­gay Ginebra at ang pi­nag­mamalaki nitong ne­ver-say-die spirit.

Balik-uniporme na si Japeth Aguilar.

Maaaring magbago ang sultada kung maka-balik na ito sa paglalaro.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with