^

PM Sports

Ravena at Ramos magkakasukatan sa Japan B.League

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkakasubukan sina Gi­las Pilipinas teammates Thirdy Ravena at Dwight Ra­mos sa salpukan ng San-en NeoPhoenix at Toyama Grouses sa umiinit na 2021-2022 Japan B. League.

Sisiklab ang aksyon sa alas-4:05 ng hapon (Manila time) sa homecourt nina Thir­dy sa Toyohashi City Gym at ang mageawagi ay makakaalpas nang bahagya sa team standings.

Parehong nasa ibaba ng 22-team B. League ang San-en sa ika-21 puwesto ha­wak ang 8-37 kartada at To­yama na nasa 15th place place bitbit ang18-29 baraha.

Kagagaling lang nina Thirdy at Ramos sa impre­sibong kampanya para sa Gilas noong isang buwan sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Smart Ara­neta Coliseum.

Bahagi rin ang dalawang ace cagers ng Gilas pool para sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Vietnam pagkatapos ng kanilang mga laro sa B. League.

Samantala, magpapambuno rin sa all-Filipino duel sina Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins at Kobe Paras ng Niigata Albirex BB sa alas-2:05 ng hapon.

Paborito ang Dolphins sa Niigata.

vuukle comment

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with