^

PM Sports

Season-end awards plus opening rites

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Hindi na tatalikod ang PBA sa kanilang sinimulan no­ong March 8, 2020 kung saan pinagsama nila sa isang se­remonya ang 2019 season-end awards at ang opening ng kasunod na season.

Patok ang gabing iyon kung saan tinanggap ni June Mar Fajardo ang kanyang ikaanim na MVP trophy, at pagkatapos eh, gumulong ang Season 45 Philippine Cup na pinanalunan ng Barangay Ginebra.

Dahil opening ceremony, present ang lahat upang big­­yang-pugay ang mga awardees sa pamumuno ng MVP winner.

“Mas meaningful, mas maganda, so itutuloy na na­min ang ganitong event,” ani PBA Commissioner Willie Marcial.

Previously, ginaganap ang Awards Night bago ang Game 4 ng PBA Governors’ Cup finale.

Dahil hindi pa tapos ang season, mas mahirap pumili ng most deserving winners lalo na kung dikit ang labanan.

Ayon ako sa PBA sa ka­nilang desisyon na ituloy ang si­nimulan noong 2020.

****

Kulang pa sa maturi­ty si Ginebra sophomore Ar­vin Tolentino. Eto ang aking masasabi sa kanyang inasta sa endgame ng Game 1 ng Ginebra-Me­ralco title duel kung saan na­pikon siya sa kanilang kis­kisan ni Raymar Jose.

Dahil napikon, inantay niya sa Big Dome tunnel si Jose at muntik nang ma­tuloy sa salpukan ang ka­nilang iringan.

Kung natuloy at uma­bot sa suspension, mala­king dis­grasya sa Ginebra, con­sidering kasama sa Gi­nebra rotation si Tolentino. Samantalang bangko sa Me­ralco si Jose.

Isip-isip muna, Arvin.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with