^

PM Sports

No. 2 spot paglalabanan ng La Salle at UP

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng De La Salle University at Univer­sity of the Philippines ang solong No. 2 spot sa kanilang pagtatagpo ngayong araw sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magtutuos ang Green Ar­chers at Fighting Maroons sa alas-10 ng umaga ka­sunod ang bakbakan ng University of Santo Tomas at National University sa ala-1 ng hapon.

Sesentro rin ang atensiyon sa defending champion Ateneo na target ang ikaa­nim na sunod na panalo para mapatatag ang liderato sa pag­sagupa sa University of the East sa alas-4 ng hapon.

Maghaharap naman sa hu­ling laro ang Adamson University at Far Eastern University sa alas-7 ng gabi.

Parehong galing sa pa­nalo ang La Salle at UP pa­ra pagsaluhan ang ikalawang puwesto tangan ang magkatulad na 4-1 baraha sa ilalim ng Ateneo na may 5-0 karta.

Pinataob ng Green Archers ang Growling Tigers no­ong Martes sa pamama­gitan ng 75-66 panalo kung saan bumida si big man Justine Baltazar na nagsumite ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists.

Du­ma­an naman sa butas ng karayom ang Fighting Maroons bago kubrahin ang 73-71 panalo sa Soaring Falcons.

vuukle comment

DE LA SALLE UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with