^

PM Sports

Knights, Red Lions nagsosyo sa liderato

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinamantala ng nagdedepensang Letran Knights ang hindi paglalaro ni Arellano Chiefs’ big man Justin Arana para kunin ang kumbinsidong 96-67 panalo sa 97th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa La Salle Greenhills Gym.

Dumiretso ang Knights sa kanilang ikalawang sunod na ratsada.

Ipinoste din ng San Beda Red Lions ang 2-0 record matapos papakin ang Emilio Agui­naldo College Generals, 85-81, tampok ang kanilang arangkada sa third period.

Humakot si Jeo Ambohot ng 20 points at nagtala si Louie Sangalang ng 10 points at 10 rebounds para sa panalo ng Letran sa Arellano.

Nag-ambag si Tommy Olivario ng 15 points, kasama ang buzzer-beating basket sa midcourt na nagbigay sa Knights ng 66-51 kalamangan sa third period.

Nagkaroon si Arana ng right knee sprain sa naunang 65-63 pagdaig ng Chiefs (1-1) sa San Sebastian Stags noong Linggo.

“People are looking at us. How we can respond as pagkawala ni Arana na pinaka-top center ng NCAA. Hindi lang isang panalo lang kundi convincing win sana,” sabi ni Letran head coach Bonnie Tan.

vuukle comment

LETRAN KNIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with