^

PM Sports

Ateneo, La Salle target ang 3-0 record

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng Ateneo de Manila University at De La Salle University na makuha ang 3-0 rekord para mas ma­patatag ang kanilang kapit sa liderato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament nga­yong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magsisimula ang quadruple-header tampok ang pakikipagtuos ng Ateneo sa Adamson University sa alas-10 ng umaga na agad susundan ng duwelo ng La Salle at Far Eastern University sa ala-1 ng hapon.

Kasalukuyang okupado ng Ateneo at La Salle ang unahan ng standings bitbit ang 2-0 baraha.

Bagama’t maganda ang inilalaro ng kanyang bataan, walang balak si Blue Eagles head coach Tab Baldwin na magpakampante.

“Those wins are behind us. They’re irrelevant. The only game that matters is Adamson now. We just worry about what’s in front of us,” ani Baldwin.

Mapapalaban ang Ate­neo sa Adamson na galing sa matikas na 82-66 panalo la­ban sa University of the East noong Martes.

Solido rin ang La Salle na nakasakay sa dalawang su­nod na panalo kung saan nasilayan na ang paglalaro ni transferee Mark Nonoy na galing sa UST.

Nakapaglaro na si No­noy na hindi nasilayan sa ak­syon sa kanilang huling laro dahil sa hamstring injury.

Inaasahang reresbak ang Tamaraws na galing sa masaklap na kabiguan sa kamay ng Blue Eagles.

“I choose to look at the positives (despite the loss to Ateneo) with the performance of (Emman) Ojuola against Kouame.,” ani FEU head coach Olsen Racela.

Masisilayan din ang du­welo ng at NU sa alas-4 ng hapon kasunod ang mainit na bak­ba­kan ng UE at UST sa alas-7 ng gabi.

 

vuukle comment

DE LA SALLE UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with