^

PM Sports

Ateneo, FEU, NU, DLSU unahan sa win No. 2

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng reigning champion Ateneo de Manila University na masikwat ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap nito sa mapanganib na Far Eastern University sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament nga­­yong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang salpukan ng Blue Eagles at Tamaraws sa ala-una ng hapon na susundan ng banggaan ng National University at De La Salle University sa alas-4 ng hapon.

Magkakasalo sa una­han ng standings ang Ate­neo, FEU, NU at La Salle tangan ang 1-0 rekord matapos manaig sa kani-kanyang karibal sa ope­ning day ng liga noong Sabado.

Magarbong sinimulan ng Ateneo ang pagdepensa sa titulo nito matapos itarak ang matikas na 90-81 panalo sa University of the Philippines.

Hataw si Dave Ildefonso na kumana ng 19 puntos at anim na rebounds habang nakatuwang nito sina Raffy Verano (18 points), naturalized Angelo Kouame (11) at SJ Belangel (10) na may kani-kanyang dou­­ble-digit output.

Mainit din ang palad ng FEU na matikas na pinataob ang University of Santo Tomas (UST) sa pamamagitan ng 76-51 demolisyon para makuha ang unang panalo.

Nakatakda rin ang bakbakan ng Adamson University at University of the East sa alas-10 ng umaga gayundin ang engku­wentro ng UP at UST sa alas-7 ng gabi.

 

vuukle comment

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with