^

PM Sports

Nangangamoy Manila Clasico

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Walang dudang pinakaputok na PBA rivalry sa kasalukuyan ang Barangay Ginebra kontra Magnolia.

Malakas ang kanilang hatak sa takilya, ganoon din sa TV rating at online views kaya naman nagkaroon pa ng katawagan ang kanilang salpukan.

Ang labanang Ginebra-Magnolia ay sikat na sa katawagang “Manila Clasico” na hango sa “El Cla­sico” – ang bansag sa banggaan ng FC Barcelona at Real Madrid sa mundo ng football.

Putok ang Manila Clasico kahit na hindi naman nagkaharap ang Gin Kings at Hotshots sa PBA finale lagpas pa sa huling dalawang dekada.

For the record, dalawang beses pa lang silang nagtapat sa finals sa PBA history.

Sa kanilang unang taon sa pro league noong 1988, hinarap ng Purefoods (Magnolia ngayon) ang Ginebra sa All-Filipino finale, pero hindi pinalad.

At naghintay sila ng halos isang dekada bago muling makaharap ang Ginebra sa finals noong 1997 Philippine Cup. Nakabawi sina Alvin Patrimonio at kanyang mga teammates sa pag­hugot ng 4-2 win sa best-of-seven series sa pamumuno ni coach Eric Altamirano.

Excited ngayon ang kanilang faithful at diehards sa posibleng title showdown. Mamumuro ang Manila Clasico Finals kung uulit ang Ginebra at Magnolia kontra NLEX at Meralco sa Game Two ng Governors’ Cup semis.

Parehong umangat mula sa malalim na pagkakabaon ang Gin Kings at Hotshots upang manalo sa series openers.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with