Ginebra preparado na sa quarterfinals
MANILA, Philippines — Sa kanilang 104-93 pagtakas sa sibak nang Rain or Shine noong Linggo ay ipinakita ng nagdedepensang Barangay Ginebra ang ilalaro nila sa quarterfinal round ng PBA Governors’ Cup.
Kumamada ang Gin Kings ng 31 points sa fourth quarter at nililimitahan ang Elasto Painters sa 16 markers para hablutin ang quarterfinals ticket.
“This is the way you got to play in the playoffs and this is what we are preparing for, to make it to the playoffs and make some noise,” ani Ginebra head coach Tim Cone.
Sinandalan ng Gin Kings si import Justin Brownlee na kumolekta ng 25 points, 10 rebounds at 7 assists habang nagsalpak si Jeff Chan ng apat na three-point shots at tumapos na may 15 markers.
Tinapos ng Ginebra ang eliminations bitbit ang 6-5 record katabla ang Alaska sa 6th place kasunod ang TNT Tropang Giga, Phoenix at NorthPort.
“First time that we have been able to grind out a win this whole conference, relying on our defense more than our offense,” ani Cone.
“I’m really proud of the guys for really grinding it out,” dagdag pa ni Cone.
Bukod sa Rain or Shine, sibak na rin sa kontensyon ang Terrafirma at Blackwater.
Nakatakdang labanan ng Dyip ang Tropang Giga bukas ng alas-3 ng hapon kasunod ang pakikipagharap sa Bossing sa Magnolia Hotshots.
- Latest